Kalayaan: Isang pagninilay-nilay.

Sa ngayon, isang salita lang ang kino-consider kong napakasarap sabihin at pakinggan para sa akin:

स्वतंत्रता (Svatantrata). 自由 (ziyou). Eλευθερία (eleftheria). Libertad. Liberty. Kalayaan.

Ika nga ng isang linya sa It Takes a Man and a Woman, ‘big word’ nga siya. Pero true enough, one finds so much comfort and peace when he hears or proudly says this word. And’un ang assurance na makikita, makukuha at magagawa mo anumang bagay ang gustuhin mo nang walang humahadlang sa iyo.

Pero bago pa man malasap ang every sense ng salitang ito, katakut-takot na hirap muna ang mararanasan. Totoong ‘big word’ nga siya, kasi baka ikamatay mo na bago mo pa masabi ito nang loud and proud.

Sa katunayan, ilang henerasyon na ba ang sumigaw ng salitang ito? Ilang henerasyon din ang nagpakahirap na maabot ang pakahiwatig nito? Gaano karaming dugo ang nasayang, at gaano karaming buhay ang naibuwis? Hindi natin alam exactly, pero base na rin sa mga napag-aralan natin sa Kasaysayan, matindi (as in, matindi talaga) ang inabot ng ating mga ninuno bago nila makuha ang minimithing kalayaan.

Pero umiiral pa rin ang tanong na ito sa ating mga ulirat: Nasa atin na nga ba ang kalayaan?

Depende sa sitwasyon ng bawat isa sa atin, maaaring nakuha na natin ito. Kalayaan sa kahirapan, kamangmangan, etc. Pero buwis-buhay talaga ang pag-achib ng anuman klaseng kalayaang gusto natin. Kung tutuusin, malaki ang kulang sa pagkatao natin kapag wala ito, kaya hangga’t maaari ay tatrabahuhin natin ito nang husto sa anumang paraan.

Gusto ko lang namang ipunto dito na ang salitang kalayaan ay sadyang napakasarap pakingan, sabihin at damhin, pero napakahirap i-achib. Bawat isa sa atin ay naghahangad nito sa anumang paraan.

Kaya’t as much as possible, we work hard to understand how it really feels to be ‘free’, another word for ‘liberty’. We should not let anything hold us back. At kapag nagtagumpay na tayo sa pagkuha nito, sana malubos natin ang pagsasabuhay nitong napakalaking salitang ito para sa lalong ikabubuti ng marami.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s