YEYYY! UNEMPLOYED!!!

12 days after the Philippines posted its highest growth on its gross domestic product, The National Statistic Office (NSO) on June 11 reported a 7.5% unemployment rate in the country by the end of April this year, a rise of 0.6 percentage point compared to the same month last year.

When I learned about this news item, natuwa ako. At least hindi pa ako nakasama sa nasabing stat, since hanggang April lang naman ang coverage n’un, and June 1 lang naman akong nagsimulang maging unemployed. Malamang, kung makasama ang figures ng mga naging unemployed from May 1 to this time, mas mataas pa ang percentage na ‘yun.

Again, yes, you read it right. Tuwang-tuwa. I can proudly say that I am happily unemployed. Imagine my facial expression. Bakit kamo?

First, nagkaroon din ako ng break, sa wakas. 21 days na restless na post-graduation period. And after i-handle ang stress na dulot ng coverage ng nakaraang midterm elections. GAHD, I deserve a break, ‘no? Kahit taon pa ang bilangin nito, kebs lang! ‘Yung iba nga d’yan, ilang araw na leave lang ang napagbibigyan eh. Sabi nga ng mga kaibigan ko, minsan lang dumating ang pagkakataong magka-break. Nang matagal pero hindi mo alam kung kailan ito matatapos. Gusto ko lang mawala lang ‘tong lahat ng stress sa sistema ko.

Second, I found this the best time to think things over. Magpaka-existential ba (ang paboritong habit ng mga bida sa paboritong komiks ko). I’m on the crossroads, pare. Dapat ko pa bang ipagpatuloy ang paglalakbay na ito? Tatahakin ko pa ba ang malubak ngunit exciting na career path na napili ko? Or should I walk on another road? Mag-try naman kaya ako ng ibang trabaho na related pa din sa mga interes ko? O mag-enrol kaya ako sa panibagong kurso, o mag-post grad studies? As mentioned, ’tis the best time to reflect and rediscover myself, so hindi dapat sayangin ang napaka-precious na panahong ito. (But my Inner Me says, “Weh, lul.” P#+@, huwag kang KJ, kako.)

I realised the last reason I have just recently. This was after watching segments on nightly newscasts which tackled on the situation of employment in the Philippines. The ones na laging may mahahabang pila sa mga job fair and stuff. Tapos mag-interview sila ng mga frustrated o desperadong jobseekers, telling na kailangan na nilang magtrabaho para mabuhay ang kanilang pamilya and all.

Cheer up, guys!

Since mataas ulit ang unemployment rate ng Pinas, our hardworking government will be forced once again to find ways to provide employment opportunities for us, jobless folks.

Here we are, living a laid-back life, cherishing every moment with our loved ones.

And there the people in our government are, pressured nang pababain ulit ang current unemployment rate. Manunuyo ng mga potensyal na mag-invest ng kanilang mga negosyo sa ating bansa. Mag-iisip ng mga proyektong makakapag-generate ng oportunidad na makapaghanapbuhay ang mga Pilipino, kahit short-term lang. Paraphrasing a verse from Chapter 7 of Balagtas’s Florante at Laura, hahamakin ang lahat magkatrabaho lang tayo.

Sabi nga din sa kanta ng Monty Python, “Always look on the briiiiight siiiiide of life!” (Watch the video below para masaya. :) )

Jobless Pinoys, unite!

********************

PS: If you think I’m having the time of my life being unemployed, think again. Ayokong maging idle and unproductive forever, ‘no. Duh, putek. Give me a week to complete my employment reqs, and I’m good to go on another job-hunting adventure. Kebs lang kahit abutin pa ng five years.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s