Isang maagang pagpupugay sa mga naniwala at nagtiwala. :DDD

Ramdam ko na (muli’t muli) ang graduation fever. Nami-miss ko ang mga sandaling minsan ay naghakot ako ng mga parangal at nakuha ko ang mga diploma ko noong grade school at high school. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa katotohanang isang taon pa ang gugugulin ko bago ko makamit ang anumang gantimpala/parusa (harapin na rin nating ang masakit na katotohanang ito) na maaari kong makuha pagkatapos. Gayunpaman, napapanatag naman akong huling hakbang ko na ito patungo sa pedestal ng, hm, tagumpay. Naman. :)

Pero sobra-sobra talaga ang paghanga ko sa sinumang nagtapos at magtatapos na ibinuno at halos inialay na ang humigit-kumulang na sangkapat ng buhay nila sa pagtuklas at pagpapaunlad sa mga bagay na magdadala sa kanila sa kinabukasang karapat-dapat din sa kanila, anuman ang mga paraang naisip nila. Lalo na sa mga naninawa at nagtiwala sa kanilang mga sariling kakayahan na malampasan nila anuman ang mga pagsubok na dumaan at, maaari pa ay, humadlang sa pag-abot ng kanilang pinakamimithing pangarap.

Sa Batch 2012, ang maagang pagbati ko ng “Happy graduation!” :DDD

2 thoughts on “Isang maagang pagpupugay sa mga naniwala at nagtiwala. :DDD

  1. Buhaylibro says:

    Dati akala ko bago grumaduate tapos na lahat ng paghihirap. Pero mali simula palang pala yun nang mas matinding obligasyon lol. Emo. Haha

    • ghiothegreat says:

      Ayun lang. Ahahahaha. Well, at least, may na-achieve pa rin. Think positive, Man. :DDD

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s