Pakiisipan ng title, please? Hirap eh. :DDD

Sa sinumang magbabasa nito,

Pagpasensyahan mo na ang pamagat ng blog post na ito. Dumarating talaga sa puntong pagkatapos mong mag-draft ng isang artikulo ay hindi mo na maipiga ang utak mo sa pag-iisip ng pamagat. Istupido mang itong pakinggan, ngunit, muli, ipagpaumanhin mo na sana ito.

Ika-10 ng Marso. 2044H. Kabilugan ng buwan. Actually, hindi naman gan’un kabilog ang buwan noon. Medyo mapusyaw ang pagkadilaw niya, sapat na para maghinala ang iba na may mga lilitaw at susugod na kung anu-anong bunga lang ng mga imahinasyon nila, at medyo mabahala. (Pero sila ang magiging mga lunatiko din pala! Ayayay!) Pero halatado sa liwanag na ipinapakawala niya ang kanyang dominansya sa kalangitan, kapiling ang mga bubuwit na bituing kasabay niyang nagliliwanag at kumukuti-kutitap.

Sa isang saglit, bigla kong naalala si Amapola, ang pangunahing tauhan sa bagong nobela ni Ricky Lee. Nagsimula na kasi ang misyon niyang sindakin, este, iligtas pala ang Pilipinas mula sa sandamakmak na kalupitan bilang Itinakda. Lumilipad na kaya siya somewhere? Saan kaya, sa Morato ba ulit? O sa Antipolo ba? Sana dumaan siya rito sa may Pasong Tamo, kung nasaan ako ngayon. Kailangan ko kasi ng tulong niya. As in.

Bago pa man ito, hindi ko man maamin sa sarili ko ito, pero parang lagi na lang may something na nagpapahina nang severe sa loob ko, either parang laging may ipinapapapsan sa kanyang sobrang bigat, o binubugbog o tinatadyakan naman ito hanggang sa tuluyan nang maglupasay at kumanta(?) ng “I’m begging you for mercy / Why don’t you release me?” Madalas, araw-araw. Tapos lagi akong nanghihina tuwing gabi. Palagay ko’y ang lakas lagi ng panaghoy ng anumang nasa kaloob-looban ko at nagko-complain na sa sobrang bigat at sakit ng mga pinagdaanan niya.

Muli, naisip ko si Amapola. Sana dumako man lang siya dito sa Pasong Tamo. Kailangan ko na talaga ng tulong niya. Na matalo niya ang anumang halimaw na nagpapahina sa loob ko at sa akin. ‘Yung tipong pupuluputin ng dila niya ‘yung halimaw na ‘yun para hindi na makagalaw at mamatay sa sobrang higpit ng pagkakapulupot. Ramdam ko na yata talaga ang tindi ng pagsusumamo ng kung anumang nasa loob ko sa tulong niya. Kaya lang hindi ko naman magagawang isigaw ng pisikal kong pagkatao ‘yun sa mataong lugar na ito kasi baka mapagkamalan naman akong timang ng mga tao dito at maya-maya dakpin ako at i-detain somewhere.

2114H. Mas mataas na ang kinalulugdan ng buwan kaysa noong huli ko siyang nakita kanina. At lubhang sumasabog na ang liwanag niya sa buong kalangitan. Lumalakas na ang iyak ng nasa loob ko. Desperado na talaga siya. Sobra-sobra na kasi ang bigat at sakit na dala niya. Matayog pa rin ang pag-asa niyang sasaklolohan siya ni Amapola. Saglit na umihip ang presko at may kaginawang hangin, at sumabay ang malamig na pakiramdam ng masidhing paglo-long sa sikat na baklang impersonator na kalauna’y magiging manananggal pala (it’s in the genes) at siyang magliligtas sa Pilipinas. Nakikita ko na ang unti-unting pag-angat ng buwan at paglitaw nito mula sa pinagtataguang up-and-down na bahay sa harapan ko. Umaasa lalo ang loob ko na dadaan ang silweta ng Itinakda sa gitna ng buwan, kagaya ng ginagawa nina Santa at ET, at pag-approach niya sa akin ay tuluyan na niyang tatalunin ang anumang halimaw na nagpapalugmok sa kanya sa dusa.

Ayon sa isa pang librong nabasa ko, itong halimaw daw na ito ang sarili nating haraya din. (I suppose ang haraya ay synonymous sa diwa. Pasensya na sa aking kamangmangan sa malalim na Tagalog.) Maraming klase ng halimaw, nakatago lang sa atin, sigro kamukha din nila ang mga nakikita natin sa mga palabas na cartoons ang tema at sa mga animated movie. Pero karamihan sa kanila ay of the antagonist type talaga, ‘yung tipong kinatatakutan talaga ng parehong mga bata at isip-bata. Sasamantalahin ang kahinaan mo, sisindakin ka sa matinding takot sa tuwing sasalakay sila at tuluyang papahinain talaga ang lahat sa pagkatao mo hanggang sa maging manhid na ang katawan mo at hindi ka na makagalaw, at wala ka nang magawa para gapiin o kahit takasan man lang sila, at sa huli, talo ka.

Napabuntung-hininga ako. Somehow, alam ko ang kahinaan ng nasa kaloob-looban ko kaya lang hindi ko madalas ma-recognize. At heto ang mga halimaw na ito, ang pagiging pesimistiko ko, mga kinatatakutan ko, at inggit. Ewan ko ba. Pero parang sila na talaga ang lumalamon sa buong pagkatao ko, as in buong-buo. Gaano man kadalas kong isipin na magiging okey at maganda ang araw na haharapin ko, hindi talaga maiiwasang bigla na lang silang susugod sa mga alanganing oras at gagapiin ang optimistic side ko at lalasunin niya ang utak ko ng kanyang mapaminsalang retorika. “Tingnan mo sila. They flaunt so much na heto ang buhay nila: sobrang accomplished, sobrang fulfilled, sobrang ganda. Kaya nasa kanila ang lahat ng karapatan sa mundo na magpaka-feel good lagi. Eh ikaw, wala. What’s the use? Parang wala na yata akong alam na may na-accomplish ka. Ni school requirements mo nga, hindi mo rin matapos. Kasi marami kang kinatatakutan at kinaiinggitan, at nagpapalamon ka sa amin nang madali. Wala ka pala eh! Takooot! Inggiterooo! BOOOOO!!!”

Bullfrog. Argh.

2233H. Kasabay ng pagpailanlang sa kalangitan ng buwan at ng unti-unti kong pag-effort sa pagtingala sa itaas ang hindi mamatay-matay na pag-asa ng loob ko na masulyapan doon ang Itinakda at iligtas ito mula sa mga halimaw. Matagal at madalas ko nang kinukumbinse ang sarili ko na kaya ko namang kalimutan ang mga pagsalakay ng mga halimaw na ito at magpatuloy sa buhay. Nagagawa ko naman, kaya lang madalas nga ang hirap. Ang hirap-hirap. Lalo na kapag grabe ang epekto nito sa akin – sa utak, sa puso – more than traumatic ba. Ang mas masakit pa, lahat sila’y bunga lang ng imahinasyon ko. True enough, sinabi ni Amapola, Napaka-imaginative ng Pilipino at hindi nauubusan ng mga bagong paraan ng pagdurusa. In this case, hardcore internal struggle.

Muli, ayon sa nabasa ko na patungkol sa mga halimaw at haraya, hindi talaga natin maiiwasan ang pagsugod ng mga halimaw – planado man o biglaan – at ang tanging paraan lang ay harapin at kumpruntahin sila. Kailangan, kahit gaano man kahirap at kasakit. Ang importante ay kung paano mo tinatanggap ang mga pagsugod nila at kung paano mo tatangkaing mabawasan ang paghihirap na nararamdaman at husayan ang istratehiya sa pagharap sa kanila. Syempre, may step-by-step na proseso rinng matututunan sa bawat kumpruntasyon. At kapag natutunan ang mga ito, aayon ang lahat ayon sa nais mo, mapagwawagian mo ang laban, tatanggapin ang lahat ng may kaugnayan sa iyo, at haharapin mong muli ang buhay na may kaginhawahan at pag-asang dala. Malay mo, maging magkatuwang pa nga kayo ng mga halimaw na minsa’y nakasagupa mo. O-ha? Nasa atin lang ang kapangyarihan na magpapa-realize sa atin sa mga ito, at nasa atin na rin kung paano ito gamitin nang mahusay. At ika nga ni Giselle, Lahat naman ng bagay, gaano man kasakit at kahirap, natatanggap. Pinupruseso lang.

Nasagi ulit sa aking gunita si Amapola. Naramdaman ko bigla ang paghihirap niya nang matuklasan at maramdaman na niyang isa pala siyang manananggal. Mahirap. Masakit. Pero hinarap niya nang buong tapang. Marami siyang ni-let go – mga pangarap, pag-ibig at kaligayahan, pati mga alter ego niya – maharap lang ang katotohanang gan’un siya at siya pa ang Itinakda.Woah, such courage. [Not to mention, si Amapola mismo ay isang halimaw: pinandirihan at medyo kinamuhian(?) niya ang sarili sa simula, hanggang matanggap na rin niya ito sa huli.]

Sandali, bakit ba pinipilit kong paghambingin ang buhay ko at ni Amapola? Argh. Ewan. Maipasok lang. Pero, kasi, ano, kamangha-mangha talaga ang katapangan at determinasyon niyang harapin at gapiin ang kanyang sariling mga halimaw, kahit siya mismo ay gan’un.

Kung si Amapola nga kinaya niya, bakit ako hindi? Kaya ‘yan! Courage, Man, courage! ‘Yun ang tanging sandata ko, at kayang-kaya ko siyang i-upgrade sa paglipas ng panahon. Sabi nga pala ni Pareng Paulo (Coelho), “Courage is not the absence of fear, but rather the strength to keep going despite the fear.” Ngek. Whatev. Hindi ko na kailangan ng tulong ng Itinakda, dahil ako mismo sa sarili ko ay maaari ring maging gan’un. Naniniwala ako sa kapangyarihang ipinagkaloob sa akin para gapiin ang mga halimaw na ito. Nasa akin na lang din kung kaya kong ipagpatuloy ang laban. Pero kaya ‘yan! Tiwala!

Ika-11 ng Marso, 0043H. Todo na ang tigala ko sa buwan sa itaas, ngunit lumalamlam na ang liwanag nito. Nakauwi na rin ako sa amin sa Cainta mula sa Pasong Tamo. Hindi na ako aasang darating pa si Amapola at dadaan ang silweta niya sa gitna ng buwan upang iligtas ang kaawa-awa kong kaluluwa. Pressured na ang Itinakda sa pagsagip sa Pilipinas. Kuntentado na ako sa aking pagkabighani sa angking ganda at liwanag na isinasabog ng buwan sa kanyang karapat-dapat ng pedestal sa kalangitan at tumatanglaw sa mundong balot ng kadiliman.

11 thoughts on “Pakiisipan ng title, please? Hirap eh. :DDD

  1. brooke says:

    “pagsusumamo sa bilog na buwan”

    (not sure if you’ll choose this. sorry if nakisali ako sa survey mo.)

  2. brooke says:

    thanks for considering, though, it just entered my mind. not really sure if you’ll like it. marami pang umikot na title sa utak ko pero mahaba na. pangit naman kung ung istilo ko ng paglalagay ng titulo ang isusuggest ko sayo kuya. marami pa kong gustong isuggest kaso nakikita kong nobela na to. sorry for talking too much. goodnight. and keep on writing. :)

    • ghiothegreat says:

      Sa ngayon, hirap pa rin akong isipan ng pamagat ‘to kasi marami na rin akong iniisip lately. Hehe. Pero balang araw ay bibigyan ko ‘to ng panahon at iisipan talaga ng pamagat na karapat-dapat lang sa kanya. Ahahaha. Maraming salamat! :DDD

  3. brooke says:

    tama yan.walang iba kundi ikaw lang ang makakapagbigay ng titulo sa iyong mga likha. tungkol kay amapola, may libro din ako niyan ngunit di ko pa matapos-tapos, congrats sayo at mukhang tapos mo na ang librong ito :) nabasa ko ang bago mong likha, at tinamaan ako kasi graduating din ako kuya, haha maraming salamat! tunay na madugo ang buhay kolehiyo, lalo na pag nasa huling mga taon ka na, pero kasama ng dugo at pawis ay ang walang kapantay na kaalaman at karanasang kapalit nito na babaunin natin sa habang buhay. kaya mo yan, isang taon ka na lang pala eh :)

  4. ghiothegreat says:

    Touche. Hehe. :) Ay, talaga? Am 5-6 chapters away toward the end. Pero n’ung isinulat ko ‘to, Chapter 33 something pa lang ako n’un, ‘yung sa part na may iniligtas si Amapola na matandang bakla na inisnatsan ng 2 hustler sa Quezon Memorial Circle. Ahahaha. Naman. Isang taon PA. Chos. Ahahahaha. Salamat po sa encouragement. :DDD

  5. brooke says:

    hehe walang anuman :D nasa kabanata nako ngayon kung saan hinahanap na ni amapola ang kapatid niya..at natuklasan na ni nanay angie na manananggal siya :) hmmmmm salamat sa pagrereply kuya ha. nagkakaroon ako ng kausap kahit papano :) maraming salamat!

    • ghiothegreat says:

      Ay, layo mo pa… Argh, hindi ko maisip gender mo. Ahahaha. XDDD Naman, ako dapat magpasalamat sa ‘yo nang marami kasi somehow may nagtyatyagang mag-view na sa blog ko. :DDD Marami pa akong plano para mas paunlarin pa ito, at gagawin ko ‘yun ngayong bakasyon. Yehey :DDD

  6. brooke says:

    wow.buti ka pa. ako hanap trabaho agad. well..sana kuya pag nakilala mo ko, matanggap mo ko :P lalim no? haha salamat sa pakikipag-usap. sana sa susunod magkakilala na tayo, at magtatawanan na lang :)

  7. ghiothegreat says:

    Eh? Napaisip ako sa sinabi mo. Amapola, izzdatchu?! Hwahahahaha. :ppp Pero seryoso. Napaisip talaga ako kung sino ka talaga. Hm. Though it’s an unusual thing to open that up here, wala kang magagawa, nabuksan ko na eh. Haha

  8. brooke says:

    oh well…pwede nating sabihing para rin akong si amapola. pero not exactly like him/her (well, sa apat na katauhan niya, lalake naman siya kahit papano, nagiging babae lang siya ‘kuno’ pag si amapola lang siya) simple lang naman akong kausap na tao, medyo habit ko nga lang magkubli kasi takot ako sa rejections…recently i had one. kaya pasensya na, hindi naman kita niloloko, ayoko muna sa ngayon magpakilala :) baka sumikat ako kagaya ni grandiosa, mapanganib :DDD salamat muli!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s