Patapong kaibigan.

Habang ako’y naglalakad,

Natuon ang atensyon

Sa latang patapon.

 

Gustuhin mang huwag pansinin,

Napag-isipang ito’y laruin

Gawing futbol at sipa-sipain.

 

Sa bawat malakas na bwelo,

Tumatama sa nakaharang na bato,

Pero patuloy lang sa paglalaro.

 

Nakaririndi ang bawat kalansing,

Sa paa’y kumakapit ang dumi,

Pero ayos lang sa akin.

 

Nanumbalik ang lumipas na kabataan.

Nalantad ang minsang kabaliwan.

Nagkaroon ng panandaliang kaibigan.

 

Minsang ako’y naikumpara

Ng isa bagong-kilalang kaibigan

Sa latang aking pinaglaruan.

 

Wika niya, “Tulad ng latang patapon,

Sipa-sipain man kita at mabaho,

Hindi mo ako iiwan, alam ko.

 

“Ikaw man ay mayupi-yupi,

Mananatiling buo pa rin,

Hindi tulad ng plastik na kauri.”

 

Tinawanan ko ito noon,

Ngayon ay sadyang muling napagtanto

Ang halaga ko sa mundong ito.

One thought on “Patapong kaibigan.

  1. janmaykill says:

    Ang mundo ay napaliligiran ng napakaraming pingkot at yupi-yuping lata, pero mag ingat ka pa rin sa ibang mapanglinlang lamang, maaari ka nilang masugatan. :)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s