The Ayala soliloquies.

(A poem I made while I waited for my Journey batchmates for almost 3 hours at the Ayala Triangle Gardens in Makati City last January 14th. Basically, it is just a narration of how my travel was and how I went through beating boredom there.)

Sabado ng haopn

Dumayo pa sa malayo

Upang sila ay muling makatagpo.

Halos dalawang oras inabot

Ang paglalakbay ko patungo rito

Kasabay din ang usok na kumapit na sa mukha ko.

Gan’un din katagal ang pagtitimpi

Sumuong kasi sa matinding trapik

Kulang na lang, sumabog na ang mukha sa galit.

Pagdating ko rito ay naabutan

Ang ugali ng kalsadang Ayala

Na iba sa karaniwan: Ibang klaseng kapayapaan?

Dumiretso sa hardin at naghintay

Sa paglipas ng oras, parang ako ay nilalatay

Salamat sa laser, boredom ko ay pinapatay.

Sumisilip man ang Araw,

Sadyang hindi nakikipaghataw(an)

Ginaw ng Amihan ay nangingibabaw.

Sinusulit ang bawat ihip ng hangin

Hanggang manuot ang ginaw sa katawang akin

Mahintay lang ang kanilang pagdating.

Akap-akap ang gahiganteng bag

Maski kaunting init ay naibibigay

Kahit paano ay napapawi ang pangungulila.

Pares, tatluhan, grupo

Mga nilalang na dumadayo

Pati mga puno at halamang nakatanim dito.

Lumaksa pa ang hangin at umambon pa

Tila talaga nang ipinaparamdam

Ang sakit ng aking pag-iisa.

Buti na lang at tudareskyu sila

Mga kantang MoymoyPalaboy ang bida

At ang pinakapamosong linya: “Kape ka buuuh?

Gustuhin ko mang humalakhak

Baka “Timang!” ang sa akin naman ay ibansag

Kaya sa halip ay magmumukmok na lang.

Ang dami ko rin palang pinagdaanan, ano?

Tumitig, manigas, mag-unat,

Maglakad, sumilong, lumuha.

Huwag sanang maglaho ang pag-asa

Muli ay makadaupampalad sila

At sa taxi ay makalibre pa. (Ehem, alam na.)

One thought on “The Ayala soliloquies.

  1. nkakatuwa naman to! haha nkakatawa ka tlga. pde ka naman kcng ndi mg1…minsan nga lang choice mo un..kaya panindigan mo.hehe i feel you. ALAM NA :)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s