Isang simple at mapagkumbabang panawagan.

Limang araw na lang at Pasko na. Kabi-kabila na ang mga pagdiriwang. Namamasko na ang mga bata sa kanilang mga ninong at ninang. Abala ang karamihan sa pamimili sa mga mall at pamilihan kung saan bagsak-presyo na ang mga sari-saring produkto

Limang araw na lang at muling isisilang si Hesus sa ating mundo. Sa mundong pinaghaharian na ng materyalismo, marami nang nagbabangayan sa mga kadahilanang wala namang katuturan, laganap ang karahasan at kawalan ng katarungan.

Limang araw bago mag-Pasko, humirit ang galit ng Kalikasan. Nakita at narinig na natin ang lahat ng mga kalunus-lunos na sitwasyon sa mga lugar na lubos na naapektuhan. Hindi na natin kayang tiisin ang masakit na panaghoy ng mga nawalan ng mga kamag-anak at ari-arian. At lubos mo lang itong maiintindihan kapag dumaan ka na sa kahalintulad na kalagayan.

Limang araw na lang ang bibilangin at magpa-Pasko na dito sa atin. Pero sa mga nasalanta ng bagyo, sadyang hindi na ito mabibilang pa, at maipagdiriwang.

Mahight dalawang milenyo nang isinisilang nang paulit-ulit si Hesus. Hindi lang sa mundong ito, kundi sa ating mga puso. Paulit-ulit na Siyang kumakatok sa ating mga puso na pairalin natin ang pagmamahal, pagbibigayan at pag-asa. Ngayong may kalamidad limang araw pa bago ito, pinakamabuting gawin natin ang mga ito, at nang muling mabuhay ang tunay na diwa ng Pasko.

Minsan nang nasubok ang kabayanihan ng Pilipino sa panahon ng kalamidad. Ngayong nagkataong may trahedyang naganap limang araw bako mag-Pasko, pinakamainam na maging regalo natin sa mga kababayang nagdurusa nang lubos ngayon ang ating kabayanihan, kahit sa pinakasimpleng paraang alam at magagawa natin.

Iabot ang ating lakas sa mga nangangailangan ng tulong. Ibahagi ang anumang kayang ibahagi. Ipagdasal ang mga biktima. Nang taos sa puso.

Ito na siguro ang pinakamainam na panahon upang isabuhay nang ganap ang tunay a diwa ng Pasko. At sana hindi lang dito matapos.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s